The caption of the photo tells a story about how the older brother protect and take care of his brother. It is said that he is a sampaguita vendor and the money he will get will be used in buying his little brother's notebook.
In addition, he told his brother to keep safe and study well while his brother responded telling him to fetch him after class.
May nakasabay akong dalawang bata knina. Ihahatid pala nung kuya nya yung kapatid niya sa school tapos nagbibilin yung kuya niya sa kanya sabi "Ingat ka dun ha, ingat ka. Mag-aral ka mabuti magtitinda lng si kuya ng sampaguita para may pambili tayo ng notebook mo mamaya." sagot nman nung kapatid niya "opo kuya mamaya sunduin mo ulit ako ah." Tapos biglang sumingit tong si manong driver "Oy mga bata magbayad kayo wala ng libre ngayon! Handa basta-basta sasakay na lang kayo", tapos sumagot yung kuya niya "kuya pasabay lng ho kahit hangang simbahan lang wala po kaming pera ayoko lang po madumihan yung uniform ng kapatid ko". Di pumayag si manong driver pinabababa yung 2. Kaya sabi ko "kuya ako na lang po magbabayad sa dalawa grabe ka nman parang hanggang simbahan lang pinagdadamot mo pa. Hay nako ! " (ako bayad ng 3 sabay baba na din sa simbahan nakakainis kase si kuya. Sumakay na lng ulit ako ng ibang jeep).
Haha haba ng kwento ko no? . Nakakatuwa yung magkapatid kanina, kase kahit ganon yung sitwasyon nila, hindi nila pinapabayaan ang isa't isa. Magkahawak pa nga sila ng kamay eh. Saludo ako dun sa kuya niya. :'))
Source: Christine Anne
0 Comments